Huwebes, Oktubre 11, 2012

SCRIPT FOR SHORT FILM_"TAWAS"


Ana Fe O. Mirones
AB-Communication Arts IV

SCRIPT FOR SHORT FILM
TAWAS
MGA TAUHAN:
CRISTY                                              makulit na bata
ALING NENA                                    nanay ni Cristy
MANANG LOLENG                          magtatawas
SCENE 1:  PANNING TO LEFT AND PANNING TO THE RIGHT
Pinapakita ang paligid at bahay nina Aling Nena.
VOICE OVER
            Ang tawas ai isang paraan upang makita at mapaalis ang mga kakaibang elemento na gumagambala sa ating katawan na mula sa ilalalim ng lupa.
SCENE II: Labas ng bahay
 WIDE SHOT
            Makikita ang batang naglalaro sa labas ng bahay. Sa labas nito ay makikita ang isang batis na malinis at malinaw.

SCENE III: Sa labas ng bahay malapit sa may batis
MEDIUM WIDE SHOT
            Patuloy na naglalaro si Cristy, ngunit hindi niya alam may naapakan na siya at nasasaktan. Hindi man niya ito nakikita o nararamdaman ngunit madami na ang nagssasabi na meron doong nuno. Nang dahil sa kakulitan patuloy pa rin ang batang ito.
SCENE IV:   FOCUSING SHOT TO ALING NENA
            Tatawagin si Cristy ng kanyang ina.
Aling Nena
Cristy…..anak..
Cristy
Po. Bakit poi nay?
Aling Nena
Halika na ditto at kakain na tayo
SCENE V; CUT AWAY SHOT TO CRISTY
            Papauwi na si Cristy ngunit hindi siya mapakali. Pinapangati na ang kanyang buong katawan. Dali- dali siyang tumakbo sa kanilang bahay.
Aling Nena
Oh!!.. andiyan kana pala. Linisan muna ang iyong kamay at kakain na tayo

Cristy
Sige poi nay
SCENE VI: Loob nang bahay nin a aling Nena
WIDE SHOT
            Nasa hapag na ang mag-ina. Habang kumakain napansin nang kanyang ina ang braso nito.
Aling Nena
Cristy anong nangyari sa iyo
Cristy
Po..nangangati po ako hindi kop o alam kung bakit. Nung papauwi ko lamang po ito naramdaman.
Aling Nena
Saan ka ba nag larong bata ka?
Cristy
Doon pos a may batis inay. Ang dami po kasi doong rainbow fish kaya nawiwili po ako maglaro doon.
Aling Nena
Ikaw na bata ka ang kulit mu talaga, sinasabi na sa iyo na wag na wag kang mag lalaro doon at may nuno doon.. Tingnan mu yang nangyari sayo.
Bilisan mo na jan at pupunta tayo kay manang Loleng at papatawasan kita.
SCENE VII: LONG SHOT
            Naglalakad ang mag-ina papunta sa bahay ni Manang Loleng.
SCENE VIII: Sa tapat ng bahay ni Manang Loleng
MEDIUM SHOT
            Tatawagin ni aling Nena Si manang Loleng
Aling Nena
Tao po.. Aling Loleng..Aling Loleng
            Bubuksan ang pinto.
Manang Loleng
Oh..Nena anung atin?
Aling Nena
Naku Manang Loleng itong si Cristy naglaro kani kanina lang doon sa may batis nangati tuloy ang katawan.
Manang Loleng
Naku bata ka ang kulit kulit mu kasi. Halika na dito at tatawasan kita nang maalis na yang pangngati mung yan.
Uupo si Cristy malapit kay Manang Loleng
Kukuha naman ng apoy si Manang Loleng at kukuhain ang mga gamit sa pagtatawas.
Makikitang kukunin ni Manang Loleng ang buong tawas at kukuha ng kaunti.
Lalapit siya kay Cristy at dadasalan at pagkatapos papahawakan ang tawas kay Cristy.
Nagbabaga na ang apoy Kukunin ang tawas at ilalagay ito sa apoy upang maluto.
Makikitang kumukulo nag tawas  at may nabubuo na itong anyo.
Pagkatapos kukunin ito ni Manang Loleng upang suriin kung anung element ito at ipapakita it okay Aling Nena.
Manang Loleng
Oh..Nene tingnan mu to..Sa batis ito at nasa gilid yung nuno, naapakan siguro ni Cristy,
Aling Nena
Siguro nga Manang kulit kasi nitong batang ito hindi naniniwala sa akin
Kukunin ni Manang Loleng ang tawas at dudurugin at ikukrus sa nuo at kamay ni Cristy at ang subra ay ibabalik sa apoy at sinamahan ng almiro at pinatapat si Cristy sa mabangong usok ng almiro. Ito rin ay ginagamit na pang saklab sa mga batang bagong panganak..

SCENE IX: MEDIUM SHOT TO CRISTY
              Makikitang unti unti nang nawawala ang pamumula ng balat ni Cristy at pangngati nito.
Simula noon nadala na si Cristy hindi na siya naglalaro o pumupunta kelan man sa batis.
Nananatili na lamang siya sa kanilang bahay at duon naglalaro.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento